"Taga-lupa! Nasaan ang anak ko? Hmmmmnn?"
Bilang isang bata, gustung-gusto ko manuod o magbasa ng mga kuwentong kababalaghan at katawa-tawa kaya naman isa ang "Okey Ka Fairy Ko" sa mga palabas sa telebisyon na talaga namang inabangan ko nuon.

Ipinalabas ito sa loob ng 10 taon (1987-1997) at nagpalipat-lipat pa ng istasyon, una sa Channel 13 kung kaya naman naalala ko pa kung paanong pinipihit ko ang aming antenna para lamang makakuha ng magandang signal sa TV.
Gandang ganda kasi ako kay Faye Kabisote na ginanapan ni Alice Dixon. Feeling ko lang dati pareho kami. "I can feel it!" Haha. Maraming iba pang artista ang gumanap bilang Faye pero si Alice Dixon talaga ang paborito ko.
Prinsesa Chloroteam
Si Prinsesa Chloroteam ay isang engkantada na nakapangasawa ng taga-lupa (Enteng Kabisote). Pinili niya na manirahan bilang si Faye Kabisote sa lupa kasama ng kanyang asawa at ng kanilang anak na si Aiza na siya namang ikinagalit ng kanyang ina na si Ina Magenta, ang reyna ng Engkantasya.
Syempre kahit pa gustuhin nila mamuhay ng normal, hindi pa rin maiwasan gamitin ni Faye ang kanyang kapangyarihan o kaya may mga taga-engkantasya na mapunta sa lupa pati na rin ang mga masasamang engkanto.
Ang Magic. Bow.
Talaga namang kumiliti sa aking imahinasyon ang palabas na ito lalo pa at nakakapag-teleport ang mga enkantada sa iba't-ibang lugar at syempre pa ang mga magic na nagagawa nila.
Gusto ko rin kapag nakikita nila sa kanilang isip ang nangyayari sa ibang lugar sa pamamagitan lamang ng paglagay ng kanilang daliri sa kanilang noo o sintido.
Makakalimutan ko ba ang makulay na damit ng mga engkantada, ang pamamaypay ni Ina Magenta at ang matulis nilang tenga?
Tumbling pa more.
Bentang benta talaga sa aming magkakaklase ang "Okey Ka Fairy Ko." Sa aming magkakaklase, may gumaganap na Faye, Enteng, Ina Magenta, Amy, Bale, Pipoy at Prinsepe K.
Siyempre alam nyo na kung sino si Faye. Haha.
Tuwing tanghali, habang lunch break, tumatambay kami sa Taal Park at nagro-role playing. Tapos magteteleport.

Mula sa taas ng park, magpapadausdos pababa. Uyyyy, teleport! Haha.
Mga panahong kaysarap balikan...
Buti na lang may pakontest ang @steemph. Nailabas ko ang mga kalokohan ko nuong kabataan ko na halos nakalimutan ko na sa sobrang katagalan.
Malamang marami sa mga mambabasa ay hindi na nakapanuod ng "Okey Ka Fairy Ko!". Ako man nahirapan na maghanap ng mga angkop larawan na ilalagay dito sa post na ito.
Ikaw, anong paborito mong palabas sa TV? Halika, ikwento mo na. Malay mo manalo ka pa.
Puntahan nyo lang ang link na ito para sa mga detalye:
Community Competitions Tuesday with @ SteemPh presents YOUR FAVORITES competition
Ang akdang ito ay ang aking entry sa My Favorites Contest hatid sa inyo ng @steemph.