Hive PH Presents: Gabay Sa Malikhaing Pagsusulat

20200517_232109_0000.png

Magandang araw sa lahat ng Filipino Hivers saan mang panig ng mundo!

Narito tayo ngayon upang talakayin ang pagbabahagi ng malikhaing pagsusulat. Bagama’t kapansin-pansin ang galing ng mga Pilipino sa pagbabahagi ng kanilang mga sulatin gamit ang wikang Ingles, hindi maitatangging nakakaligtaan na rin nating gamitin ang sariling wika sa pagsusulat lalo na sa platapormang ito.

Ang pagkakaroon ng karunungan sa pagpapahayag gamit ang wikang Ingles ay maituturing na kalamangan at kapaki-pakinabang, subalit huwag rin nating kaligtaan na ang pagpapahayag sa sariling wika ay kailangan ding bigyan ng kahalagahan.

Bagama’t Tagalog ang pangunahing wika ng Pilipinas, hindi maipagkakaila na marami pa sa atin ang hindi sanay sa paggamit nito sa pagsusulat. Upang matugunan ang suliraning iyan, narito tayo upang magbigay-gabay sa pagbabahagi ng malikhaing pagsusulat gamit ang wikang Tagalog. Gayunpaman, ang gabay na ilalahad sa ibaba ay maari din namang gamitin sa pagsusulat gamit ang wikang Ingles.

Maraming panuntunan ang pagsusulat, ngunit hindi naman lahat ng ito ay kailangang sundin. Minsan ay pwede rin tayong lumabas sa itinalagang panuntunan at maging malikhain. May kanya-kanya ring estilo ang bawat manunulat. Maaring hindi pa alam ng iba ang kanilang estilo, subalit madidiskubre din nila ito sa patuloy na pagsusulat.

Paano nga ba magbahagi ng malikhaing pagsusulat?

Lagyan ng Puso o Emosyon ang Sinusulat

May kanya-kanyang tayong dahilan kung bakit tayo nagsusulat at iba-iba ang kwentong ating inilalahad. Gayunpaman, mahalaga na sa bawat sulating nais nating ibahagi, nilalagyan natin ng puso o emosyon ang ating akda. Dito natin mapupukaw ang interes ng ating mambabasa dahil malalaman at mararamdaman nila kung may puso o wala ang ating sinusulat. Kung nagawa nating mapangiti, mapatawa, mapamangha, mapaiyak, o mapakabog sa takot o galit ang ating mambabasa, ito ay nangangahulugang nakuha nila ang emosyong nais nating ipabatid sa kanila. Samakatuwid, ang pagkuha sa interes at damdamin ng mambabasa ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng pagsusulat.

Lawakan ang Isip o Imahinasyon

Nagiging mas malikhain ang isang tao kung malawak ang kanyang pag-iisip at imahinasyon. Dito nagiging kawili-wili ang akda lalo na kung nababatid ng mambabasa ang lawak ng imahinasyon ng manunulat. Nagiging epektibo rin ang paglalahad ng akda kung nabibigyan ng impluwensya ang mambabasa na magkaroon ng malawak na pag-iisip.

Magbigay ng Aral, Libang o Impormasyon

Mahalaga para sa mambabasa na makakuha ng kahit ano mang aral, libang o impormasyon sa kanyang binabasa. Sa dami ng pwedeng pagpiliang basahin, mas maganda na may maibigay rin tayong libang o ambag sa karunungan ng mga mambabasa.

Maayos na Daloy ng mga Salita

Bigyan ng buhay ang bawat daloy ng mga salita. Panatilihing nasa maayos na daloy ang paglalahad ng kwento at iwasan ang pagliko-liko at biglaang pagtalon mula sa isang paksa papunta sa panibagong paksa. Gumamit din ng mga angkop na salita at subukang huwag itong gamitin ng kalabisan.

Wastong Baybay at Bantas

Bagama’t una na nating nasabi na maaari tayong lumabas sa itinalagang panuntunan upang maging malikhain, hindi ito nangangahulugan na puwede na nating baliin ang mga pangunahin at mahalagang panuntunan gaya ng wastong baybay at bantas. Hindi maitatanggi na hirap pa rin ang karamihan sa atin sa wastong baybay ng mga salita at pagbabantas, ngunit isa ito sa kailangang pagtuunan ng pansin upang maging presentable ang ating akda.

Iyan ang ilan sa mga mahalagang aspeto ng malikhaing pagsusulat. Nais ko ring ipaalala na bago isapubliko ang ating sulatin, basahin muna natin ng makailang beses upang makita kung may mali sa ating isinulat at nang maiwasto ito. Mas nakakapukaw rin ng interes ang paglalahad ng presentableng akda kaya bigyan din ng oras ang pagwawasto nito.

Maraming salamat sa pagbabasa at nawa’y mayroon kayong natutunan sa ating tinalakay ngayon. Hanggang sa muli!


This article has been brought to you by @jemzem. She is highly admired and respected by her peers because her unparalleled excellence in the field of creative writing.

Keep an eye out for our next Hive PH Presents. Let us know if you think this article haa been helpful for your writing journey. Don't hesitate to leave a comment if there are ny topics you'd like to see in the future.

If you haven't already, we are inviting you to subscribe to Hive PH. We encourage you to post through the community as well.

Don't forget to follow Hive PH trail on hive.vote as well.

Chat and interact with our fellow Filipinos in our Hive PH discord channel .

H2
H3
H4
Upload from PC
Video gallery
3 columns
2 columns
1 column
5 Comments