Literaturang Filipino: Ang Sumpa ni Naya

Ang Sumpa ni Naya

LITERATURANG-FILIPINO ENTRY (CONTEST #4)


Matapos ang hindi inaasahang pangyayari limang taon na ang nakalipas, labis na takot na ang namumuo sa sistema ng dalagang si Naya. Ang pangyayaring iyon ay naging mitsa ng isang bangungot sa kanyang buhay na hindi niya magawang kalimutan. Naging takot siyang lapitan ang lahat ng lalaking nasa kanyang paligid. Kahit ang pagkausap sa mga ito ay hindi niya kayang gawin.

Sa loob ng limang taon ay ikinulong niya ang sarili sa bangungot ng kanyang nakaraan. Walang nakakaalam sa dahilan na kahit ang pamilya niya ay hindi mawari kung bakit siya nagkakaganoon. Ang buong akala nila ay dahil ito sa biglaang pagkawala ng dati niyang nobyo na hinihintay niya pa rin ang pagbabalik, kaya hindi niya hinahayaan ang sariling tumingin sa iba. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay may itinatagong isang madilim na sekreto si Naya.

“Naya!” tawag ni Lino sa dalaga nang makita siya nito sa kanilang bakuran.

Hindi iyon narinig ni Naya kaya naglakas-loob ang binata na lapitan na lamang siya.

Mahigit isang taon na rin itong humahanga sa dalaga na kahit tinatakbuhan niya ito sa tuwing nakikita’y pabalik-balik pa rin ito at nagbakasakaling makausap siya.

“Naya, puwede ba kitang makausap?” agad na bungad ni Lino nang makalapit na ito sa dalaga.

Bakas naman ang gulat sa pagmumukha ni Naya nang makita niya ang binata at tatakbo na sana papasok ng kanilang bahay nang biglang hawakan nito ang kanyang kamay.

“Kahit saglit lang, Naya.”

Dumako ang tingin ng dalaga sa kamay nito na nakahawak sa kanya lalo pa’t isang hindi maipapaliwanag na sensasyon ang kanyang naramdaman. Ibinaling niya ang kanyang paningin sa mga mata nito dahilan upang lumiyab ang takot sa kanyang puso. Ngunit bago pa man niya malabanan ang sarili ay nagawa na niya ang matagal na niyang iniiwasan.

Nilukob ng masamang puwersa ang kaniyang pagkatao kung kaya’y tila naging ibang tao siya. Agad niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Lino at hinalikan ito. Hindi na nakapalag ang binata dahil sa bilis ng pangyayari. Ilang segundo lang ang lumipas at naging isang insekto si Lino, bagay na nangyari din sa kanyang dating nobyo.

Bumalik sa kanyang huwisyo si Naya at napaluha na lang nang makita ang ipis sa kanyang harapan. Ngunit ang paghihinagpis niya ay agad na napalitan ng matinding pangamba nang marinig ang pagsigaw ng isang babae na nakasaksi sa nangyari.

“Si Lino! Ginawang ipis ni Naya si Lino!” sigaw nito dahilan upang magsilabasan ang kanilang kapit-bahay sa kani-kanilang tahanan.

Dahil sa takot ay tumakbo si Naya papunta sa isang liblib na gubat. Simula noon ay hindi na siya nakita pa ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

composing-2391033_1920.jpg

photo source: pixabay.com

Ngunit hindi natapos ang sumpa ng kanyang halik dahil ilang estranghero ang naging ipis dahil sa paglapit ng mga ito sa kanya.

Dahil doon ay patuloy ang paghahanap ng kaniyang naging biktima ng paraan upang makabalik sa dati nilang anyo. Kaya naman gayon na lamang ang paglipad ng mga ipis sa kabahayan para hanapin si Naya at halikan upang mabawi ang sumpa nito sa kanila.


---WAKAS---


Maikling kuwento sa panulat ni @jemzem
H2
H3
H4
Upload from PC
Video gallery
3 columns
2 columns
1 column
5 Comments