My Favorite Game: “PINOY HENYO” | Walang Katulad

FF7D33C9-379B-4120-80BB-032D8FADD62E.jpeg

Screenshot on @twotripleow’s blog

Kung ako ay tatanungin kung anong paborito kong laro, ito ay ang PINOY HENYO. Sino nga ba ang hindi tatangkilik sa larong sariling atin? Simula nuong bata pa ako, ito ang madalas naming laruin ng aming magpipinsan. Ito ay aming unang nakita sa palabas na Eat Bulaga na kung saan maraming manunuood ang laging umaabang rito. Nakakatawa nga talaga ang larong ito sapagkat talas ang isipan ang tanging puhunan.

8BD95E2E-99EE-439F-B560-6C8BFD229579.jpeg

Image Source

Paano nga ba ito laruin?

Simple lang naman ang larong ito. Sa paglaro nito kelangan mayroon kang kaparehas upang kayo’y magtulungan at mahulaan agad ang salitang pinapahulaan. Isa sa inyo ay kakabitan o lalagyan sa noo/ulo ng salita na gustong pahulaan. Sya ay magbabanggit ng iba’t ibang kategorya kung tao, bagay, hayop o lugar ba ito. Sa tulong ng kanyang kapareha, sya ay sasagot lamang ng OO, HINDI at PWEDE hangga’t sa makuha na nila ang pinupuntong salita. Oo tama nga, OO , HINDI at PWEDE lang ang mga tanging isagot ng kasama. Sila ay oorasan sa paglalaro. Kung sino ang makakuha ng salita sa pinakamaikling oras ay syang tatanghaling panalo.

C97A68BD-A7F1-4DA6-8058-5DCAE320CD78.jpeg

Image Source

Masasabi ko na ito ang paborito kong laro sapagkat bukod sa pabilisan ng isipan ay maghahatid din ito ng sobrang kasiyahan. Sa sobrang pangtangkilik ng bawat Pilipino sa larong ito, ang larong PINOY HENYO ay muling binuhay ng @steemph family sa komunidad na ito. Simula nang aking malaman na mayroon palang larong Pinoy Henyo sa Discord ng @steemph ay akin na itong kinahiligang salihan. Masaya sapagkat marami sa kababayan natin ang nakikilahok kada Linggo. Naiba ang istilo ng paglaro ng Pinoy Henyo sa @steemph discord sapagkat internet connection ang aming puhunan. Kami ay lahat pupunta sa isang channel at magkokonek kami lahat sa voice upang aming marinig ang boses na magsasabi kung OO, HINDI o PWEDE.. Tanging boses lang ang aming mapapakinggan at duon kami magbabase kung malapit na ba naming makuha ang sagot. Hindi ka dito oorasan kung kelan mo mahuhulaan ang sagot ngunit kayo na lang ay maguunahan sa pagsagot. Oo nga pala, dapat mabilis ka ding magtype sa keyboard/keypad mo dahil kung mabagal ka, malamang matatalo ka. Lahat ng sagot mo, ito ay dapat mo lang itype. Ganun kaganda ang larong iyun. Kung gaano kabilis ang isipan mo, ganun din dapat sa daliri mo. Ayun nga, ang nakakatawa dito ay yung tipong sa sobrang apura mong magtype minsan ay nagkakaruon ng pagkakamali sa spelling na kung saan ay mauunahan ka pa ng iba. Mayroon din yung nakuha mo na ang tamang sagot kaso hindi nagsent dahil sa humina ang koneksyon o kaya nalowbat. Mapapamura ka talaga minsan. Haha. Ginto na nga naging bato pa ika nga.

Minsan naman, pag nagkakaruon ng wrong spelling, nabibigyan naman ito ng ibang kahulugan na kung saan lahat na lang ay magtatawanan. Gaya na lang ako minsan, pag ang nais kong gustong sabihin ay “TAO BA ITO?” Minsan ang naitatype ko ay “TAI BA ITO?”. Haha Kaya dapat magingat din minsan dahil ayun nga nagkakaruon ng ibang kahulugan kung ikaw ay magkamali sa pagtatype. Mayroon din naman yung sa gitna ng kaseryosohan ng laro, agad ka na lang matatawa sapagkat may mga manglalaro na duon na din minsan humuhugot. Gaya na lang ng tanong na, “HAYOP BA ITO?” Pag sinabing “OO” , agad nilang sasabihing , “EX KO BA ITO?” Haha. Naku pawing pawi talaga ang pagod buong Linggo kung masubukan mong sumama sa larong ito. Bukod sa may papremyo na nga, matutulog ka pang nakatawa. Madalas, alas dyis ng gabi ito sinisimulan tuwing Linggo. Ngunit sa labis na katuwaan sa paglalaro nito, hindi mo lubos maisip na naabot na pala kayo ng ala una o kaya minsan alas dos ng madaling araw. Mantakin nyo, yung iba may pasok pa nun kinaumagahan kagaya ko ngunit patuloy pa rin akong naglalaan ng oras dito sapagkat ito’y masaya. Masayang masaya! Peksman! Yung tila kahit byernes palang eh atat na atat ka ng maglaro nito.

7B95E845-306D-4A36-B1CD-C5D9DB5CA8D5.jpeg

Screenshot on @Steemph Discord

Gusto ko rin po pala ipaalam sa lahat na ang larong Pinoy Henyo sa @steemph discord ay pinangungunahan ng nagiisang master ng lahat na si @twotripleow. Sya ay magaling kung paano nya patakbuhin ang larong ito. Dinaig pa sila Luiz Manzano , Billy Crawford, Vic Sotto o kung sino pa man ang mga batikang host sa ating industriya. Paano ko yun nasabi? Sapagkat sya lang naman ang host na hindi napapagod magsalita. Minsan nga kahit paos, kinakaya pa rin mairaos lang ang larong Pinoy Henyo at magbigay saya sa ating mga kababayan. Sya rin ay kahit umulan bumagyo, tuloy pa rin. Walang makakapigil kumbaga. Kaya lubos din akong humahanga sa henyo master na ito. Bonus na lang ang pagiging pogi sa kanya.

4E2C0108-EF0C-4AC8-B2C5-ADBDE46FCC84.jpeg

Screenshot on @Steemph Discord

O sya kung gusto nyo maranasan ang larong ito, kayo po lahat ay imbitado upang maglaro sa Linggo, alas dyis ng gabi (10:00PM). Basta bisitahin nyo lang po ang @Steemph discord at pumunta lamang po sa channel na #loveradio at magconnect na lamang din sa voice.

Steemph Discord

Maraming salamat po sa pagbabasa.

68A34711-D700-4320-933A-5AE066BFA35E.png

H2
H3
H4
Upload from PC
Video gallery
3 columns
2 columns
1 column
10 Comments