
Ran Online ang larong aking kinaadikan noong taong 2005-2007, bago ko napagtanto na maraming laro sa Facebook na tungkol sa ninja. Ngayon ang ikukwento ko ngayon ay kailangan ay ibayong pag-iisip at higit huwag gagayin ang aking mga ginawa noon.
Taong 2005 noong niyaya ako maglaro ng aking pamangkin na maglaro ng Ran Online. Masasabi ko noong una ay medyo hindi ko pinapansin, sa kadahilanang lagi kong kasama pamangkin ko ay kinalaunan ay natukso na rin ako maglaro. Sino ba mag-aakala na mas naging adik ako kaysa sa kaniya? Ako mas matanda ako pa naging mas adik haha. Sa totoo lang napakasagwa laruin ng inyong mga tauhan kung ito ay mahina, subalit hindi ganoon kadali magpalakas. Alam naman nating lahat na ang mga Online Games ay hanap-buhay rin nila. Kaya naman ang pagpapalakas ng isang tauhan ay hindi basta-basta lang. Kailangan natin maglamay at gumastos. Unang-una para makabili ka ng E-Points nila dapat may pera ka, bibilhin mo una ay ang rosary (para double experience mo) tapos teleportation card. Iyong dalawa na iyon ay nagkahahalaga ng 50 PHP. Mayroon na nga ngayon kailangan mo muna maglaro para lumevel, kasi nga kagagawa lang ng tauhan mo. Ngayon ang susunod mo namang gagawin kapag nararamdaman mong mabagal na ang experience na nakukuha mo lilipat ka na sa ibang lugar kung saan puwede na ang level mo, siyempre kapag mas malayo na ang narating mo mas malakas na magiging kalaban mo. Hanggang narating ko na ang max level sa Ran Online, kumpleto na ang mga kagamitan ko dahil ginastusan ko nang bongang-bonga. Hindi ko na lang po sasabihin kung magkano nagastos ko, kasi malaki po talaga. Kasama naman na ang lahat-lahat pati iyong inupahan kong tao para maglaro habang ako ay nasa trabaho, bayad na sa tao bayad pa sa computer shop at E-Points. Tiwalang-tiwala na nga sa akin iyong may-ari ng computer shop kasi pinapautang na ako kinalaunan haha. 24 oras gumagalaw ang tauhan ko. Pagkatapos ko mai-max level ang archer ko, hindi pa ako nakuntento gumawa pa ako isa pang tauhan brawler naman. Sa sobrang tagal maglabas ng bagong level cap, hindi ko namamalayan na sobrang laki na talaga nagagastos ko at isa pa zombie mode na ako, payat na payat dahil laging puyat e. Hindi ko ininda ang gastos kasi ang lakas ko na nga. Naglabas nanaman sila ng bagong klase ng tauhan tinatawag na "extreme" ang extreme ay kombinasiyon ng apat na tauhan. Swordsman, archer, brawler at shaman. Pagkatapos naman naglabas ulit sila gunner at assassin. Hindi na ako naglaro simula nang nilabas nila iyang mga iyan. Unang-una nawala na mga kaibigan ko lumipat na sa Cabal Online, pangalawa hindi na ako nasisiyahan wala na kasi mga tropa ko at higit sa lahat wala na ako kasama magpuyat haha.
Marahil itatanong niyo kung nasaan na mga tauhan ko? Naibenta ko na nang palugi hehe. Murang-mura ko lang naibenta huwag na lang natin sabihiin ang presyo.
ANG PAGSIBOL NG MGA LARO SA FACEBOOK.
2007 noong ako'y sumali sa Facebook. Una sa pagkaiintindi ko ay paran Friendster lang o Myspace. Oo parang Myspace nga marami rin siyang laro pero ang Facebook noong araw ay hindi ma-lag kung ikukumpara mo ngayon. My "like" kasi ang Facebook ang iba naman ay wala kaya naman naengganyo akong sumali. Hay naku! Sino ba mag-aakala na maaadik ako sa mga laro sa Facebook.
Mafia Wars ang unang-una kong nilaro hindi Farmville kasi Farmville na nga sa totoong buhay pati ba naman sa laro? Haha siyempre ayaw ko. Mafia Wars masasabi kong inadik ko nang bahagya lang kasi nakita ko may mas magandang laro gaya ng mga larong bampira. Kaya nga lang hindi nagtagal ay nawala ang laro, sayang ang tauhan ko. Dito sa mga laro sa Facebook hindi ako gumastos, gustuhin ko man wala akong credit card haha. Kaya naman pagod lang ang naging puhunan ko.
NINJA GAMES.
Ang unang nilaro ko pagkatapos magsara ang mga larong bampira sa Facebook ay ang larong Ninja Saga siguro nakadalawang taon din ako riyan. (2009-2011). Tapos noong nakita ko naman ang Pockey Ninja masasabi ko talagang ito ang pinakakinaadikan ko sa lahat. Napakaganda kasi ng graphics tapos hindi ma-lag, hindi gaya ng Ninja Saga hindi kagandahan ang graphics tapos ang lag-lag pa, kaya lumipat ako sa Pockey Ninja. Pero kung alam kong magsasara kaagad itong laro na ito ay sana hindi ako lumipat ng laro.
Ito ang pinakahuli kong nilaro ang Naruto Online. Naadik din ako rito kaya lang unti-unti ko siyang nakalimutan dahil nga sa pagka-injury ko sa basketball nabaling ang atensiyon ko sa Steemit hehe.
Ayan kitang-kita niyo naman si 2K riyan. Ako iyong naka-Konan na costume hehe sila naman iyong mga guildmates ko. Ang lalakas namin sa server na iyan. Iyan ang pinakahuling nilaro ko. Ngayon nga lang ay itinigil ko na dahil sa Steemit. Sulat-sulat na lang kapag may oras.
Lahat ng mga larong nilaro ko kaya ako nagsawa kasi malakas na ako at hindi na ako nasisiyahan. Gusto ko talaga mga ninja games lang talaga kasi gustong-gusto ko talaga maging ninja. Tama na nga ito baka maitsa-pwera pa itong entry ko na ito haha. Makatutulong din ang mga online games para makalimutan niyo siya haha. O siya hanggang dito na lang ang paglalakbay natin sa mga karanasan ko bilang isang gamer hindi player a. Paalam.
HINIHIMOK KO NGA PALA SI KAIBIGANG @afterglow NA IBAHAGI ANG KANIYANG KUWENTO SA MGA ONLINE GAMES NA NILARO NIYA NOONG ARAW.