Yan, mahilig ako sa Fantasy at Sci-Fi so yan ang pinaka-da best na TV series ever. Walang binatbat ang Game of Thrones. Pero nanonood din ako ng Game of Thrones para di ba, at least alam ko ano kwento. Maski yung second favorite ko na Alias talong-talo eh. Hahaha.
Ano ang Battlestar Galactica (BSG) (2004)?

Image from Wikipedia
Eto ang da best nga n TV series. Favorite ko 'to walang kokontra. Hahaha. Merong 1978 version, yun ang original pero di pa'ko buhay no'n tsaka di uso sa Pinas ata kaya di sumikat. Mas sumikat Star Wars s Pinas.
Eniwei, if mahilig ka sa space laban laban eto panoorin mo. Astig tapos may sci-fi/religious/political angle pa. O san ka p? Hanap ka pa ng iba? Hahaha. Yung mga mahilig sa panay bed scene sa palabas magsawa kau, meron din 'to. Wag lang kayo masyadong manyak haller, di yun ang kwento nito. Hahaha.
Ano ba Kwento ng BSG?
Yung mga robot, nag-evolve na naging sentient beings, tinatawag na Cylons. Tapos shempre mukha na silang tao. Gusto nyo ba ng spoiler? Wag na masaya panoorin yan ng walang spoiler pramis. hahaha.
May mga prophecy prophecy pa silang nalalaman. Pero kasi wala sila sa Earth, hinahanap nila yung Earth kase yung planet nila waley na. Ano nangyari? Panoorin nyo yung series para malaman niyo. Hahaha.
Basta meron pa yan mga TV movies tsaka web series. Jusko dinownload ko lahat yan noon. Hahaha. Ngayon pwede m n mapanood online naman lahat so nood nood n lng, no more download unless favorite m talaga like me.
Mga Karakter
So bakit ko ba gusto 'tong series na'to? Shempre kase lodi si Starbuck eh. Sha yung babaeng pilot. Astig kase sha. Tapos may intense love/attraction pa sila ni Apollo. Uy waw di ba? Hahaha.

Image from Wikipedia
Okay, eto yung ibang characters sa pic above... From right to left tau ha. Si Starbuck yung nasa far right, tas si Apollo yung katabi niya. Tas yung nasa gitna yung Cylon na babae. Yung next is si General Adama, yung military boss ng lahat tas katabi niya si Madam President ng colony. Oha.
Shempre meron pa ibang characters and well developed tlaga yung story. Lodi ko na nga si Ronald Moore. Astig tlga yan. Huhu sarap ulit-ulitin panoorin. Panoorin ko nga ulit... Haha.
Tapos yung music, meron din silang sariling tunog. Mare-recognize mo anywhere. Omg napapatili ako pag naririnig ko yan s labas. hahaha. Pero internally lang yung tili haller. At bihira naman mangyari yun so safe. hahaha.
Pakitaan ko na nga lang kayo ng trailer para manood na lang kayo. Hahaha.

Eto yung ibang characters makita niyo dito, pati si Kara Thrace/Starbuck. Meron pa silang sariling mura o. Frak! Wahahaha. Wala naman spoiler dito so nood n lang kau.

O, gusto niyo pa? Apat na seasons yan mga bes. Ayaw niyo pa? Hahaha, basta yan ang favorite TV show ko forever until may mas astig pa jan yan na yun. :P
XOXO,
@artgirl
P.S. Eto po ay para sa pakontes ng @steemph, for more details check niyo dito.
P.S.S. If wala pa kayong Byteball basahin niyo 'to para may extra $$$ tau. :)

WARNING:
Spam comments will be FLAGGED / DOWNVOTED if it is not revised upon warning.
Images from Wikipedia.
All rights reserved.
Written by @artgirl for Steemit.
© Art x Stephanie Rue
@artgirl is a freelance artist and also an online seller. For art and writing commissions, feel free to contact me.
You can chat me up on steem.chat or send me a Facebook message. Link in my bio.

Like it?
Upvote, Follow and Resteem for appreciation.
♥ Thanks! ♥